Skip to content

DELIVERY MON-SUN 10AM-5PM • FREE DELIVERY 1K + ABOVE

NATIONWIDE DELIVERY MERCHANDISE ORDERS - MESSAGE US

    We Miss People #1 : Tere Domine

    For the first We Miss People feature, we chat with Tere Domine, a good friend and Kalsada Coffee's Co-Founder and Country Director. Tere is currently in Manila during the quarantine and cultivating her rooftop crop garden.
    Tere Domine's Sunflower
    The Den: Kamusta Tere, so anong pinagkakaabalahan lately?

    Tere: Hello The Den! Busy sa madaming bagay. Kakasakay lang namin sa barko papuntang US yung new crop. As usual, kada taon, medyo challenge palagi ang exports dahil sa mga documents and mas challenge this time dahil limited ang office work ng mga tao na related sa exports. Nag-preprepare na din kami for next harvest, at may mga expansion project na ginagawan ng plans. Ayun. Tapos nagtatanim ng mga halaman sa rooftop ko panlaban sa mga zombies. Hahaha!


    The Den: Oo nga! Sobrang hirap mag-operations this time. Sana maging maayos na soon. Wow! Ano 'yong mga tanim mo now?

    Tere: Sana nga. Karamihan gulay. Ampalaya, sitaw, talong, kalabasa, upo, okra, malunggay, kangkong, pechay, labanos, litsugas. Tapos may mais at melon. Meron na din akong konting bulaklak. Sunflower, zinnia, 'tsaka marigolds. Hahaha!

    The Den: Nice andami! Ang saya magtanim no? It really tests your patience and mas naiintindihan mo yung konsepto ng time and food production. Kamusta pala yung mga coffee farmers? Ayos naman sila?

    Tere: Yes, 'tsaka malaking tulong din to relax 'yong pagtatanim lalo na ngayon limited 'yong time natin outdoors.
    Okay naman ang mga coffee farmers natin. So far wala namang reported cases ng Covid sa area. Kakapadala lang natin ng ayudang bigas from several donors para makatulong kahit papaano pang bawas sa gastusin nila. Excited sila dito sa susunod na harvest kasi mukhang madaming bunga ang mga kape ngayon. So excited din kami!

    Tere's Corn Plant

    The Den: Last question na lang: Bilang lahat tayo ay nasa trying times ngayon, ano 'yong hope mo na mangyari or dapat mangyari for the next months, years, at in the future? For Kalsada Coffee, the country, and for you of course. Haha!

    Tere: For the next few weeks or months, sana may maayos na tayong management nitong health crisis na nangyayari ngayon para hindi na tayo nangangapa sa dilim at makabalik na tayo sa mga dati natin ginagawa bago mangyari ito na healthy physically and mentally.
     
     

    "Long term, I hope that we continue to support the Philippine coffee industry—from the farmers, to the roasters, hanggang sa cafés. Sana tuloy-tuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa local and brewed coffee."

    Long term, I hope that we continue to support the Philippine coffee industry—from the farmers to the roasters hanggang sa cafés. Sana tuloy-tuloy ang pagtangkilik ng mga tao sa local and brewed coffee. For Kalsada, sana ma-expand namin 'yong mga farm projects namin para mas maabot natin yung mas madaming farmers at makapag offer tayo ng masarap na kape sa mas madaming tao dito sa atin at sa ibang bansa. Sa akin naman, sana makabalik na ako sa farm, makabisita sa mga kapihan, at makapagkape with our friends.

    The Den: Awww ang ganda! Huhu haay nakakamiss na talga. See you soooon and thanks sa chika!!! 
    Tere: Salamat The Den! Hahaha!
     -----
    Tere Domine is Co-Founder & Country Director of Kalsada Coffee, and a licensed Q Grader. Tere’s fluency in Ilocano and curiosity about farming and fermented food got her into coffee. When not at the farms, you can find her planting vegetables on her roof garden.

    Tere Domine and Pupper Friend

    Leave a comment

    Please note, comments must be approved before they are published

    Shipping & Delivery

    Orders ship out via the following methods: 

    • Same Day Delivery
    • Via Courier (3 Working Days Metro Manila • 5-7 Provincial)
    • Store Pickup

    Learn More

    Great Philippine Coffee

    We proudly highlight and use great Philippine coffee processed by Kalsada Coffee!

    Kalsada champions Philippine specialty coffee. Their priority is to support Filipino coffee producers and their dedicated efforts to bring quality coffee to the market.

    Check out Kalsada

    Quality & Freshness

    We take great pride in the quality of our fresh food, coffee, and packaged goods, so we guarantee your satisfaction with every product, every time.

    Shoots & Events

    We rent out our space for commercial shoots, film shoots, pre-nup / pre-debut shoots, seminars, and events with very reasonable rates.

    Inquire Now